Remittance charge ng mga bangko hiniling na tapyasan

Remittance charge ng mga bangko hiniling na tapyasan

July 7, 2018 @ 3:02 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Bilang tulong sa mga pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa harap na rin ng mataas na inflation na nagresulta sa paglobo ng presyo ng pangunahing bilihin, umapela ang isang mambabatas sa mga bangko na tapyasan ang kanilang sinisingil sa remittance charge.

Ayon kay ACTS OFW Partylist Rep. John Aniceto malaking tulong kung mababawasan ang remittance charge lalo at regular naman na nagpapadala ang mga OFW sa kanilang pamilya sa bansa, hiniling ni Aniceto na mula sa 10.57% na transfer charge sa remittance ng mga migrant workers ay itakda na lamang ito sa 5%.

“Reducing the cost of bank remittance services to 5% would mean some $1.5 billion or P80.1 billion in cost-savings and extra money in the pockets of our migrant workers and their families every year,” paliwanag ni Aniceto.

Ani Bertiz nakikinabang man ang mga OFW sa mataas na palitan ng dolyar sa piso ay parang nababalewala lamang din ito dahil sa Pilipinas ay mataas naman ang presyo ng bilihin.

“The inflationary impact of rising oil prices has eroded whatever higher value migrant workers are getting from their earnings in dollars,”dagdag pa nito.

Sa ngayon nasa 5.2% ang inflation rate sa bansa sinabi ni Aniceto na maraming pamilya ng mga OFW ang umaaray dahil hindi naman tumaas ang kanilang natatanggap na padala mula sa mga mahal sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa kaya naman lubha silang apektado sa pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at presyo ng langis. (Gail Mendoza)