Remotely operated underwater vehicle tutulong sa paghahanap sa lumubog na oil tanker

Remotely operated underwater vehicle tutulong sa paghahanap sa lumubog na oil tanker

March 16, 2023 @ 11:48 AM 7 days ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng may-ari ng f MT Princess Empress na magde-deploy ito ng remotely operated underwater vehicle (ROV) para tumulong sa paghahanap ng lumubog na vessel at makontrol ang epekto ng oil spill.

Inihayag ni RDC Reield Marine Services (RDC), na patungo na ang ROV “Hakuyo” sa Pilipinas galing Japan karga ng mother vessel nito, ang workboat Shin Nichi Maru.

Inaasahang darating ang ROV sa bansa sa Lunes.

“The ROV and its mother vessel were contracted by RDC sometime last week after an extensive search for all available options,” pahayag ng kompanya.

Pagdating sa bansa, ide-deploy ang ROV para kumpirmahin ang lokasyon ng vessel, na tinatayang may lalim na 400 metro sa bahaging 15 kilometers northeast ng Mindoro.

“Once the Princess Empress is found, the ROV will conduct visual surveys of the vessel, recorded on video, to help determine the structural condition of the wreck and check for any ongoing oil leaks,” anang RDC.

“Experts will then assess these surveys to determine further options to address any leaks and remove any remaining cargo.” dagdag nito

Lumubog ang MT Princess Empress noong February 28 at may kargang 800,000 litro ng industrial fuel. Naiulat ang oil spill sa bahagi ng Mindoro, dahilan para isailalim ang bayan ng Pola sa state pf calamity. RNT/SA