Remulla: 280 illegal POGO workers ide-deport!

Remulla: 280 illegal POGO workers ide-deport!

September 21, 2022 @ 2:34 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Handa ang Pilipinas na i-deport ang 280 illegal employees ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla nitong Miyerkules.

“We’re ready to deport, I think, 280 people by now. Meron na kaming in custody. We are scheduled to catch more people. Eh, ang problema lang talaga dito ‘yung protocol natin kasi nga we have to calibrate it,” pahayag ni Remulla.

Nauna nang sinabi ng Justice secretary na makikipagpulong siya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ukol sa deportasyon ng POGO employees.

Nilinaw naman ni Remulla na nakikipag-usap siya sa ambasador sa pammaagitan ng texts na kasalukuyang nasa China. Samantala, sinabi ni Justice spokesperson Mico Clavano na makikipagkita si Remulla sa ambassador sa Huwebes.

“He will meet with the Chinese ambassador tomorrow afternoon to speak about the canceled POGO companies as listed by Pagcor,” ani Clavano.

Inilahad ng Justice secretary na mayroong 216 dating lisensyadong POGO companies na hindi na nagbayad ng kanilang utang. Sa kanyang pagtataya, 40,000 empleyado ang posibleng iligal na nananatili sa Pilipinas.

“We know where they all are, we know where the offices are, kaya it’s a matter of time before we resolve everything here,” sabi ni Remulla.

“Syempre ayaw natin huliin nang sabay-sabay ‘yan kasi it can result in a humanitarian crisis kapag hindi natin ma-deport agad ang mga tao. So we want to calibrate all the movement para naman logical,” patuloy niya.

Sinabi pa niya na hindi posible na masampahan ng kaso ang mga empleyadong ito.

“Sa ating procedures kasi ngayon, hindi compatible ang filing of case and deportation. Kasi kapag nag-file ka ng kaso then we cannot deport them cause they have to be under the process of law,” ani Remulla.

“So we have a choice. Either to file cases or to summarily deport them. The logical thing is for summary deportation to take place kasi nga we don’t want to be keeping 20,000 people in a makeshift jail,” patuloy niya. RNT/SA