Remulla ‘di tututol sa bail plea ni De Lima

Remulla ‘di tututol sa bail plea ni De Lima

February 20, 2023 @ 5:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa ika-anim na taon ni dating Senador Leila de Lima sa kulungan, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Pebrero 20 na hindi siya tututol sa posibilidad ng bail plea mula sa kampo nito.

Sa isang ambush interview, ibinahagi ni Remulla na inabisuhan niya umano ang kampo ni De Lima na maghain ng petition for habeas corpus.

“We will not object. Ako, I am not objecting, personally, personally, no, to any plea that will free anybody from jail,” sabi ni Remulla.

Sa kabila nito, idinagdag niya na ito ay “better addressed in court.”

“It is a power left to the judges to decide and even to the higher courts if need be, if they want to go to the higher courts,” ayon kay Remulla.

“So let it be that way, if they wish to petition for bail or for habeas corpus, so be it. It is her right after all, as a citizen detained, to ask the courts why she is detained and for the courts to decide on whether or not a grant of liberty is appropriate under the circumstances,” pagpapatuloy niya.

Matatandaan na sinabi ng kampo ni De Lima na maghahain sila ng supplemental motion for bail ngayong buwan para sa kalayaan ng dating senador.

Si De Lima ay naka-detain sa Camp Crame simula pa noong 2017 dahil sa drug allegations sa New Bilibid Prison.

Ibinasura naman ng Muntinlupa Court noong Pebrero 2021 ang isa sa tatlong drug charges laban sa kanya. RNT/JGC