Remulla: Impunity ‘di mananaig sa Pinas

Remulla: Impunity ‘di mananaig sa Pinas

November 24, 2022 @ 3:48 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Hindi gusto ng pamahalaan na manaig ang impunity sa Pilipinas, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes.

Inihayag ito ni Remulla kasunod ng hatol ng Caloocan Regional Trial Court sa pulis na guilty beyond reasonable doubt sa torture at planting of evidence sa dalawang teenagers na napatay sa kasagsagan ng drug war noong 2017.

“Well, what we can say is really, we don’t want impunity to rule in our country… we will never, never succumb to impunity. All of these forces have to deal with the consequences of their actions,” aniya.

Sinintensyahan ng Caloocan RTC Branch 122 si Police Officer 1 Jefrey Perez ng pagkakakulong sa torture kay Carl Angelo Arnaiz at 14-anyos na si Reynaldo de Guzman.

Noong 2017, napatay si Arnaiz ng Caloocan police officers noong Agosto 18 amatapos umanong holdapin ang isang taxi driver.

Samantala, ang kasama ni Arnaiz na si De Guzman, ay natagpuang patay na may 30 saksak sa kanyang katawan sa Gapan, Nueva Ecija. Binalot pa ang kanyang ulo sa packaging tape.

Base kay Public Attorney’s Office chief Persida Acosta, naresolba ang kaso sa pakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation, sa forensic team, at sa prosecutors.

“The body speaks for itself. The bodies of the two teenagers show the injuries sustained during the torture… while they are still alive,” ani Acosta.

Samantala, sinabi naman niya na ang desisyon sa murder case nina Arnaiz at De Guzman tna inihain sa Navatos ay ipalalabas sa Disyembre o sa Enero 2023.

“May formal offer of evidence na ang accused and the case will be set for resolution, for promulgation,” sabi ni Acosta.

“I think before December ends or early part of January there shall be a decision but we are optimistic that the same decision will come out,” dagdag niya. RNT/SA