Remulla kay Bantag: ‘Answer the complaint’

Remulla kay Bantag: ‘Answer the complaint’

December 29, 2022 @ 6:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na sagutin ang mga reklamo laban sa kanya kaugnay ng pagkamatay ng mamamahayag na si Percy Lapid.

“Answer the complaint,” ani Remulla nang hingan ng komento ukol sa paghamon ni Bantag sa mga umaakusa sa kanya na pautnayan ang mga reklamo, at sinabing gawa-gawa lamang ang mga ito.

Si Bantag, na nahaharap sa dalawang reklamo ng murder, ang itinuturo ng mga awtoridad bilang isa sa masterminds sa likod ng pagpatay kay Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor.

Isang buwan mula nang magsagawa ng preliminary hearings sa kaso, hindi pa naghahain ang kampo ni Bantag ng counter-affidavit. RNT/SA