Remulla makikipagkita sa UN special rapporteur

Remulla makikipagkita sa UN special rapporteur

December 4, 2022 @ 9:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Justice nitong Sabado, Disyembre 3 na makikipagkita si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay United Nations special rapporteur Mama Fatima Singhateh sa susunod na linggo upang siyasatin ang hakbang ng pamahalaan upang maiwasan ang bentahan at sexual exploitation sa mga bata sa bansa.

“Yesterday, I invited [the] UN special rapporteur to visit DOJ if and when her schedule permits. She agreed, and we have just confirmed that she will be visiting DOJ on Wednesday, December 7, 2022, after lunch,” pahayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano.

Dagdag niya, inaasahan na ipakikita ni Remulla ang pagpapasalamat nito sa UN representative na bumisita sa bansa at handang sagutin ang anumang tanong na ibabato sa pagbisita ni Singhateh sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Magbibigay din ani Clavano, si Remulla ng mas marami pang macro perspective tungkol sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) situation at ipapaliwanag ang pamamaraan ng pamahalaan upang masugpo ang mga gawaing ito.

“We are looking forward to the UN special rapporteur’s visit to [the] DOJ. Even more, we believe that this visit will provide more momentum in our war against OSAEC,” aniya.

Maliban dito, nakatakda ring bumisita sa Pilipinas sa susunod na taon si UN special rapporteur on freedom of expression and opinion Irene Khan, ayon sa Commission on Human Rights.

“As independent experts, they are expected and have been proven to act with probity and constant regard to human rights principles and standards. Their standing at the international level gives them the capacity to look at country situations with a fresh and unprejudiced eye,” sinabi ng CHR. RNT/JGC