Remulla naalarma sa maraming Pinoy human trafficking victims ngayong 2023

Remulla naalarma sa maraming Pinoy human trafficking victims ngayong 2023

March 14, 2023 @ 9:12 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes na halos katumbas na ng bilang ng human trafficking victims noong 2022 ang bilang nito sa unang dalawang buwan ng 2023.

Base kay Remulla, nasagip ng pamahalaan ang halos 2,000 trafficking victims noong Enero at Pebrero.

“Very alarming yan kasi halos buong 2022, output ng trafficking na match ng dalawang buwan pa lang,” giit ni Remulla.

“Sa 2022 vis-a-vis 2023, two months pa lang halos ano na, halos two thirds na ng 2022 yung lumalabas na victims of trafficking,” dagdag niya.

Inihayag ito ni Remulla sa ambush interview kasunod ng inter-agency meeting on trafficking kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang mga ahensya.

“Tinatawag natin modern-day slavery. Dyan dinadala mga Pilipino that’s why we are alerting all agencies, kasama na Immigration. Lahat, lahat kasama na pwedeng tumulong,” aniya.

“Hinahanap natin nagyon ang mga perpetrators, yan, meron na nga tayong committee to go against it. Joint committee na to. Talagang it has been working for a long time and we have secured many convictions,” patuloy ng kalihim.

Pinaalalahanan din ng Justice secretary ang publiko na mag-ingat.

“Kaya sana yung mga kababayan natin mag iingat, basta inoffer ng mga trabaho sa abroad ay tignan muna nila kung tama yung kanilang pinapasukan,” ayon kay Remulla. RNT/SA