Remulla pinagtanggol si Lacson sa ‘kulang sa groundwork’ remark ni Leni

Remulla pinagtanggol si Lacson sa ‘kulang sa groundwork’ remark ni Leni

January 31, 2022 @ 12:29 PM 8 months ago


CAVITE – Ipinagtanggol ni Governor Jonvic Remulla si Senator Panfilo Lacson matapos na patutsyadahan ni Vice President Leni Robredo na kulang sa groundwork ang Caviteño presidential aspirant.

“Hindi ko na sana balak makipag-balitaktakan pa pagdating sa #Halalan2022. Ngunit bilang kamag-anak, kalalawigan at kapwa Imuseño / Caviteño ay nararapat lamang na tumayo ako at ipagtanggol si Senador Ping Lacson,” saad ni Remulla sa kanyang Facebook post ngayong Lunes na pinamgatan niyang “Kakamping.”

Sinabi ni Remulla, na si Lacson ang may most experience sa public service.

“To describe him as ‘all talk and no action’ is an injustice to the man who embodies ‘leadership by example’ with 50 years of public service from law enforcement, legislation and humanitarian work,” ani Remulla.

“Sana maalala ni VP Leni ang aking payo sa kanya (I hope VP Leni remembers my advice to her that no matter what happens, please do not give in to the hate,” dagdag pa ni Remulla.

“The same goes to her supporters. The best way to champion your candidate or political stand is not through hate. You can never convince other people to join your cause if all you do is look down, insult, ridicule, and alienate those who do not share the same views as you.”

Noong Nobyembre ay sinalubong ni Remulla sina Robredo and vice-presidential aspirant Senator Kiko Pangilinan in the Cavite Provincial Capitol sa Trece Martires nang bumisita ang tandem sa ilang mga local government units.

Giit ni Remulla na kahit hindi umano sila nagkakasundo sa ilang mga isyu, pareho naman nilang hangad na ang mga tao ay magkaroon ng “leader the Filipinos can be proud of.”

Dagdag pa ng gobernadora na bago umano sila maghiwalay ay sinabihan niya si Robredo na kahit anong mangyari ay huwag manghinanakit sa sinoman. RNT