Remulla sa Degamo slay: Mga suspek may bidyo ng mastermind

Remulla sa Degamo slay: Mga suspek may bidyo ng mastermind

March 8, 2023 @ 3:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Umaasa si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na malapit nang maresolba ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Sabado, Marso 4.

Ani Remulla, may hawak kasing video ng mastermind sa pagpatay ang mga suspek na hawak na ng awtoridad.

“Walang motive na sinabi pero ‘yung kausap nila was on video,” pagbabahagi ni Remulla.

“A live conversation happened on video with the person na tinuturo.”

“There’s a probative value. Alam niyo naman ngayong nag-pandemic, we were all on video, we were all speaking on video,” dagdag pa ng Kalihim.

Matatandaan na nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang 4 na arestadong suspek makaraang ilipat ang mga ito mula Negros Oriental patungong Camp Crame.

“I only have read the preliminary statements that were done and I can say that the end is near,” sinabi pa ni Remulla.

“Malapit na ho itong masarado [this can be wrapped up soon] except for that all the perpetrators that have not been rounded up.”

Samantala, maliban sa apat na suspek ay mayroon pang pinaghahanap na humigit-kumulang lima iba pang suspek na sangkot sa pagpatay kay Degamo.

Naghain na ng murder at frustrated murder charges ang government prosecutors laban sa apat na arestadong suspek.

Plano naman ng Department of Justice na ilagay ang dalawa sa mga ito sa ilalim ng witness protection program.

“There’s a statement already to the effect that there was a mastermind, but we have to evaluate it properly,” sinabi pa ni Remulla.

“I cannot confirm any details as of now,” tugon naman nito sa tanong kung may kinalaman ba ang pagpatay sa usaping politikal. RNT/JGC