Remulla sa extension sa paghahain ni Bantag ng counter affidavit: ‘No problem’

Remulla sa extension sa paghahain ni Bantag ng counter affidavit: ‘No problem’

November 22, 2022 @ 2:35 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Walang nakikitang problema ang Department of Justice (DOJ) skung hilingin ng kampo ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na i-extend ang paghahain ng counter affidavit ukol sa mga reklamo na kinakaharap ng huli sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at sa itinuturong middleman.

“No problem, the case will push through based on the merits of the case,” sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla Remulla nitong Martes. “That will be up to the prosecutors, but I think usually they grant these motions.”

Personal na nagtungo ang abogado ni Bantag na si Rocky Balisong sa opisina ng DOJ nitong Lunes upang kumuha ng kopya ng subpoena. Ito ay dalawang araw bago ang preliminary investigation sa pagpatay kay Lapid at sa umano’y middleman na si Jun Villamor, kung saan itinuturong mastermind ang BuCor official.

Inihayag ni Balisong na mayroon silang 10 araw para maghain ng counter affidavit.

Sa parehong period, sinabi ng abogado na aalamin din nila ang mga susunod na hakbang, kabilang na ang pagdalo ni Bantag sa Nov. 23 hearing sakaling kailanganin.

Sinabi ni Remulla na hindi kailangang humarap ni Bantag dahil may opsyon umano ang huli na mag-isyu ng special power of attorney sa kanyang mga abogado bilang kinatawan niya sa hearing.

Bukod kay Bantag, isa pang respondent sa kaso si BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, na itinuturing na kanang kamay ni Bantag, ayon sa kalihim ng DOJ.

Inilahad ni Remulla na bineberipika pa ang mga awtoridad ang kinaroroonan ni Zulueta, subalit sinabing hindi makaaapekto sa kaso ang hindi niya pagpapakita.

“The case can stand independently of whether or not Zulueta surrenders or not. The rumors that he is dead already are there, I was informed a few days ago about it, but the case will still stand as it is, so let it be,” ayon sa DOJ official.

“A conspiracy is a conspiracy, and the act of one is the act of all, so that’s where this premise will lie in this case,” patuloy niya.

Umaasa pa rin si Remulla na magpapakita si Zulueta upang harapin ang mga reklamo “because he is a co-conspirator and his role here was very important.”

Sa pahayag ni Bantag na hindi siya susuko kahit na silbihan ng arrest warrant hangga’t nananatili si Remulla na DOJ secretary, iginiit ng huli na “drama” lamang umano ito.

“Magiging wanted s’ya. That’s the very easy conclusion and flight is an indication of guilt. The more guilty he will appear if he does not show up,” ani Remulla. RNT/SA