Remulla sa home furlough ni De Lima: ‘It is a possibility’

Remulla sa home furlough ni De Lima: ‘It is a possibility’

October 11, 2022 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin C. Remulla nitong Lunes na bukas siya na isailalim ang nakaditeneng si dating Senator Leila M. de Lima sa home furlough.

“It is a possibility” subalit kinakailangan ni de Lima na humingi ng permiso mula sa Muntinlupa City regional trial court (RTC) para sa home furlough, ayon kay Remulla at iginiit na “that should be discussed in open court.”

Lumitaw ang posibilidad ng home furlough para kay de Limamatapos maging biktima ng hostage-taking noong Linggo sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Quezon City.

Isa sa tatlong preso ang nagtangkang tumakas escape at binihag si de Lima at tinangka pa itong patayin. Napatay ang tatlo nang tumugon ang PNP operatives.

Hinikayat naman ni Senator Imee Marcos si de Lima na tanggapin ang alok ng DOJ at ng PNP para sa home furlough.

“I strongly urge Sen. Leila de Lima to have the medical checkup she requires, with her own physician, as well as immediately take up the extended home furlough that both the DOJ and the PNP offered as early as July,” ani Senator Marcos.

“As former members of the Kabataang Barangay together, we are all deeply worried about her health and safety,” dagdga niya.

Nakaditine si De Lima mula pa 2017 sa non-bailable illegal drugs cases na ikinasa ng Muntinlupa City (RTC). Mariin niyang itinanggi ang mga paratang. RNT/SA