Remulla sa NBI: Pekeng passes, imbestigahan

Remulla sa NBI: Pekeng passes, imbestigahan

December 1, 2022 @ 4:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hiniling ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pekeng stamps sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pangangasiwa sa departure ng trafficked individuals.

“We’re already investigating that. We’re asking the NBI to investigate it,” ani Remulla nitong Huwebes.

Sa Senate hearing nitong Martesm isiniwalat ng human trafficking victim na tauhan ng airport ang tumulong sa kanilang departure gamit ang pekeng exit stamps upang makalusot sa BI.

Sinabi ni alyas Paolo na ni-recruit siya na magtrabaho bilang customer service representative sa Thailand subalit nadiskubre niyang ipadadala siya sa Myanmar upang maging scammer.

“Well, ‘yung findings ng hearing pa rin ang aming— we’re making the starting point of the investigation because the hearings were very revealing as to the modus operandi,” ani Remulla.

Nauna nang iginiit ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi nito isinasantabi ang posibilidad na sangkot ang tauhan nito sa nasabing modus.

Inihayag naman ni Immigration spokesperson Dana Sandoval na wala pa silang natutukoy na koneksyon ng BI personnel sa isyu, subalit bukas umano sila sa imbestigasyon. RNT/SA