Remulla sa telcos, ISPs: Maglagay ng ‘filters’ vs online sexual abuse sa mga bata

Remulla sa telcos, ISPs: Maglagay ng ‘filters’ vs online sexual abuse sa mga bata

August 24, 2022 @ 4:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihirit ni Justice Secretary Boying Remulla sa telecommunications firms at internet service providers na maglagay ng “filters” sa kanilang sistema upang mapigilan ang online sexual exploitation of children (OSEC).

Inihayag ito ni Remulla ngayong Miyerkules matapos ianunsyo sa isang briefing nitong Martes ang pagdedeklara ng giyera sa OSEC dahil ang Pilipinas ang top global source ng multi-billion dollar child pornography industry.

“Isa pang pakiusap namin talaga ay ‘yung ISPs — internet service providers — and the telcos to start filtering, to put filters in their systems para hindi makalusot itong ganitong gawain,” sabi niya sa isang briefing.

Iginiit din niya na kapag hindi nakipagtulungan ang telcos at ISPS, isasama sila sa listahan ng mga paparusahan sa OSEC.

“We are that serious,” giit niya.

Batay sa 2016 study ng United Nations International Children’s Education Fund, walo sa 10 batang Pilipino ang “vulnerable” na maging biktima ng online sexual abuse o bullying.

Nauna nang iniulat ng Department of Justice (DOJ) ena tumaas ang kaso ng OSEC ng 264% sa pagkakasa ng enhanced community quarantine noong Marso hanggang Mayo 2020, kumpara sa parehong period noong 2019.

Nitong 2021, iniulat ng Inter-Agency Council Against Trafficking na umakyat ang kaso ng OSEC rose sa 1.2 milyon noong 2020 — mas mataas ng tatlong beses kumpara noong 2019. RNT/SA