Remulla tiwalang wala nang lilitaw na mastermind sa Percy Lapid slay

Remulla tiwalang wala nang lilitaw na mastermind sa Percy Lapid slay

November 8, 2022 @ 4:34 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Martes na naniniwala siyang wala nang indibidwal ang ang umano’y masterminds sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ito ang sinabi ni Remulla nang tanungin ukol sa pahayag ni Roy Mabasa, kapatid ni Lapid, na hinihiling niyang tiyakin na wala nang indibidwal sa likod ng krimeng ito.

“Sa tingin ko ay wala na,” aniya.

Nitong Lunes, tinukoy ng mga awtoridad sina suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at Senior Superintendent Ricardo Zulueta bilang masterminds sa likod ng pagpatay.

Naghain ang Philippine National Police (PNP) at ang National Bureau of Investigation (NBI) ng murder complaints laban kina Bantag, Zulueta, at iba pang persons deprived of liberty.

Para naman sa NBI, sinabi nito na kinokonsidera nito ang posibilidad na mayroon pang mas makapangyarihang mastermind maliban kay Bantag sa likod ng pagpaslang kay Lapid.

Samantala, target ng DOJ na maghain ng hold departure order laban kay Bantag at Zulueta kaugnay ng krimen na ibinibintang sa kanila.

Iginiit ni Remulla nitong Martes na hindi na kinakailangan ng immigration lookout bulletin order. Nauna na niyang inihayag na magpapalabas ng lookout bulletin para kina Bantag at Senior Superintendent Zulueta.

“Actually, there’s no need because they’re public officials. They cannot leave the country without a travel authority,” sabi ni Remulla.

“Ang mas mahalaga lang talaga dito we are already filing a hold departure order. I already instructed the staff to start,” patuloy niya.

Inilahad naman ng PNP nitong Martes na nakausap na nito si Bantag.

“Meron na pong communication sa part po ng PNP kay General Bantag,” ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo.

“In fact, we offered him  security kung kinakailangan po niya dahil nabanggit po niya sa kanyang recent interview na pinull out na po ‘yung kanyang security at mga sasakyan,” aniya pa. RNT/SA