Remulla, UK envoy to PH nagpulong

Remulla, UK envoy to PH nagpulong

August 7, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakipagpulong si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla kay United Kingdom Ambassador Laure Beaufils nitong Biyernes upang talakayin ang iba’t ibang isyu, kabilang na ang pagpapatuloy ng United Nations Joint Programme for Human Rights sa Pilipinas.

Inihayag ng DOJ na kabilang sa mga tinalakay nina Remulla at Beaufils ang pagpapabuti sa witness protection program ng DOJ upang madagdagan ang convictions sa korte.

Idinagdag pa ng DOJ na pinag-usapan nina Remulla at Beaufils ang prosekusyon ng law enforcers na sangkot sa mga pagpatay sa war on drugs ng pamahalaan.

Gayundin, tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapaluwag sa mga kulungan sa bansa, pag-digitize ng mga record ng Bureau of Jail Management (BJMP) and Penology at ng Bureau of Corrections, sa pakikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government.

Pinalaya ng BJMP nitong Hulyo ang mahigit 15,000 persons deprived of liberty dahil sa “overcrowded” na mga selda. RNT/SA