Renaming, reorganization ng PCOO, attached agencies ipinag-utos ng Malakanyang

Renaming, reorganization ng PCOO, attached agencies ipinag-utos ng Malakanyang

July 7, 2022 @ 4:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kikilalanin na bilang Office of the Press Secretary ang kasalukuyang Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ito ang nakasaad sa ilalim ng Executive Order no. 2 na ibinaba ng Malacañan, ipinagutos ang renaming at reorganization ng PCOO at mga attached agencies nito, patungo sa Office of the Press Secretary (OPS).

Ang OPS ay pamunuan ng Office of the Secretary (OSec), magkakaroon ito ng assistant secretary, at support staff na hindi lalampas sa 20 personnel, na kailangan dumaan sa pagapruba ng Executive Secretary, at alinsunod sa regulasyon ng Civil Service.

Nakapaloob din sa EO ang pagkakaroon ng undersecretaries para sa mga sumusunod:

  • Operations, Plans, at Policies;

  • Administration, Finance and Procurement;

  • Legal Affairs;

  • Media Accreditation and Relations;

  • Digital Media Services;

  • Print Media Services at related GOCCs and attached agencies;

  • Broadcast Media Services at at related GOCCs and attached agencies; at

  • Special Concerns.

Lahat ng division at units sa ilalim ng PCOO ay iri-reorganize alinsunod sa areas of concern ng mga Usec ng OPS.Ang Office of the Presidential Spokesperson ay binubuwag na rin. Ang lahat ng permanente nitong kawani, equipment, at function ay isasalin na sa OPS.

Ang OPS na rin ang mangangasiwa sa:

  • APO Production Unit;

  • Bureau of Broadcast Services;

  • Intercontinental Broadcasting Corporation;

  • National Printing Office;

  • News and Information Bureau; at

  • People’s Television Network.

Ang RTVM naman ay pangangasiwaan na ng Presidential Management Staff.

Ang Philippine Information Agency naman ay direktang pangangasiwaan ng Office of the President.

Ia-absorb rin ng PIA ang:

  • Bureau of Communications Services;

  • Freedom of Information- Program Management Office; at

  • Good Governance Office.

Tinintahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kautusan ika-30 ng Hunyo, 2022. Kris Jose