Rendon Labador, tinawag na tanga si Coco!

Rendon Labador, tinawag na tanga si Coco!

March 6, 2023 @ 4:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Viral na ngayon sa social media ang video kung saan nagbitiw ng mga maanghang na salita ang isang socmed personality na si Rendon Labador laban sa Primetime King na si Coco Martin na siya ring tumatayong direktor ng FPJ’s Batang Quiapo.

Matatandaan kasi na sa vlog ni Ogie Diaz ay ibinahagi nito ang panawagan ng ilang vendor sa Quiapo tungkol sa pagbaba raw ng kanilang sales dahil sa shooting ng “Batang Quiapo.” Naaaba raw ang mga vendor na imbes mamili ay nanonood na lang ng siyuting ng BQ ang nga tao sa paligid ng Plaza Miranda. Doon kasi nagaganap ang sentro ng istorya ng pinagkakaguluhang primetime show sa TV ngayon.

“Dear FPJ Batang Quiapo! Kung mag-shooting kayo ‘wag naman araw-araw. Bumababa sales namin ‘pag nanjan kayo eh. Hayssttt Coco hanggang kelan na naman kayo ‘tong palabas mo?” pahayag ng isang vendor na ibinahagi ni Mama Loi sa Showbiz Update nila ni Ogie Diaz.

Sa video naman ni Rendon ay tinawag nito ang atensyon ni Coco kaugnay sa naturang isyu. Mga maanghang ang binitawang salita ni Rendon laban kay Coco. Tinawag niya rin itong “T**ga”. Ador Saluta