Renegotiation sa China funding, dapat mas pabor sa Pinas-Poe

Renegotiation sa China funding, dapat mas pabor sa Pinas-Poe

July 18, 2022 @ 8:21 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Bagamat ikinatuwa ni Senador Grace Poe ang pagkakaroon ng panibagong negosasyon sa lahat ng pautang ng China sa Pilipinas, giit niya na dapat matugunan nito ang interest rates at term of payments na mas makabubuti sa bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na maganda ang opurtunidad na magkaroon ng panibagong negosasyon sa pautang ng China upang matugunan ang mga pangunahing isyu tulad ng interest rates at terms of payments.

“The President’s directive presents an auspicious opportunity to go back to the drawing board and craft deals that are fair and will produce tangible benefits to the Filipino people,” ayon kay Poe.

‘Renegotiation should iron out issues that saddled the previous agreements, including interest rates and payment terms,” dagdag niya.

Sinabi ni Poe na kung kailangan palakasin ang programa ng imprastraktura, hindi dapat maging sagabal ikto ng pinakamahusay na interes ng bansa.

“It is the Filipino people who will ultimately repay such loans and we must ensure that they are not on the losing end,” ayon kay Poe. Ernie Reyes