Renewal ng business permits, lisensya pinalawig sa Navotas

Renewal ng business permits, lisensya pinalawig sa Navotas

January 17, 2022 @ 4:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pinalawig pa ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang deadline nang renewal ng business permit and license para sa taong ito.

Sa ilalim ng City Ordinance 2022-05, ang mga negosyante sa lungsod ay palalawigin hanggang Enero 31, 2022 upang mabayaran ang kanilang business taxes na walang karampatang multa, surcharge, penalty o interest.

“Many businesses are once again affected by the surge of COVID-19 cases and the extended Alert Level 3 community quarantine in Metro Manila. We intend to give them ample time to renew their business permits and licenses, and pay their taxes,” ani Navotas City Mayor Toby Tiangco.

“The 11-day extension is also in consideration of the safety and wellbeing of all taxpayers. We want to give them the chance to pay their dues when they are most comfortable to do so,” dagdag ng alkalde.

Maaari ding makapag -renew business sa pamamagitan ng online ang mga taxpayers sa https://online.navotas.gov.ph/ Bago pa nito, ginawaran ang Navotas ng tax amnesty sa indibidwal at mga negosyante sa pamamagitan ng General Pandemic Amnesty Program at naglaan ng discounts sa mga taxpayers na nagbabayad sa tamang oras sa ilalim ng Pandemic Recovery Assistance Program.

Ang mga programang nabanggit ay bahagi ng economic recovery measures sa implementasyon ng lungsod para bigyan daan ang naranasang hirap na dulot ng COVID-19 sa mga Navoteño na taxpayers. R.A Marquez