Rep. Barbers handang maging House Majority leader

Rep. Barbers handang maging House Majority leader

July 5, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bilang isa sa beterano na sa House of Representatives, nakahanda si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ba maging susunud na House Majority Leader katuwang si Leyte Rep. Martin Romualdez, na siyang inaasahang mahihirang na House Speaker.

Inamin ni Barbers na kanyang ipinarating na kay Romualdez ay kanyang intensyon.

“I intimated to Martin, I manifested my interest to be his wingman,” pahayag ni Barbers.

“If you would allow me to be your wingman, I have a little of the experience, I have a little of the expertise, and I can help you in pushing for the approval of the legislative agenda of the President as well as the Office of the Speaker,” dagdag pa nito.

Si Barbers ang syang naging Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa nakalipas na 6 taon sa ilalim ng 17th at 18th Congress.

Ang hihiranging  House Majority Leader ay nakadepende sa House Speaker.

Isa naman sa posibleng balakid kay Barbers ay hindi ito kapartido ni Romualdez sa  Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) subalit naniniwala si Barbers na hindi malayong suportahan ng kanyang partido na Nacionalista Party ang spekearship ni Romualdez.

Si Pangulong Bongbong Marcos at matagal naging kabilang sa NP habang ang kapatid nito na si  Senator Imee Marcos ay kabilang sa NP party.

Sakali man hirangin si Barbers ay hindi ito ang unang pagkakataon na mula sa magkaibang partido ang 2 mataas na lider ng Kamara. Gail Mendoza