REP. CHUA, BUKAS-PALAD SA TAGA-3RD DISTRICT NG MAYNILA

REP. CHUA, BUKAS-PALAD SA TAGA-3RD DISTRICT NG MAYNILA

October 1, 2022 @ 3:54 PM 2 months ago


HALOS araw-araw, dagsa ang pila ng mahihirap na mamamayang humihingi ng iba’t-ibang uri ng tulong sa mga tanggapan ng mga lingkod-bayan, partikular sa mga kongresista.

Mula sa medical at burial assistance, legal service at tulong pinansiyal sa mga naging biktima ng kalamidad at iba pa, halos maghapong nakapila ang mga humihingi ng tulong na kadalasan ay bumabalik na lang muli dahil wala sa tanggapan ang politikong kanilang hihingan ng ayuda.

Pero hindi naman talaga lahat ng mga lingkod-bayan ay mabuti ang pakikitungo sa kanilang mamamayan. Kadalasan, lumulutang lang ang mga ito sa panahon ng kampanya subalit kapag naluklok na sa puwesto ay mahirap na hagilapin.

Subalit sa Maynila, mayroon din namang taos-puso ang pagtulong sa kanilang mamamayan at kabilang rito sina 2nd DistrictRep. Rolan Valeriano o CRV at 3rd District Rep. Atty. Joel Chua.

Hindi na natin babanggitin ang estilo nang walang sawang pagtulong sa kanyang mga kababayan sa ikalawang distrito ng lungsod ni CRV bagkus ibida na lang natin ang bagong bukas na District Office ni Chua na nasa 942 Int. Bilibid Viejo St. kanto ng Loyola St., sa Quiapo na pinasinayaan kamakailan at handa sa mga residente ng Distrito 3 na nangangailangan ng tulong.

Kabilang sa ibibigay na serbisyo ni Chua ang ‘free legal assistance’ kung saan may abogadong nakatalaga na handang magkaloob ng payo sa mga taong nahaharap sa mga usapin sa batas at libre konsulta sa pamamagitan ng medical practitioner na siyang tumitingin sa pasyente bukod sa pamamahagi ng gamot at bitamina.

Maging ang humihingi ng tulong pinansiyal lalo na ang mga biktima ng kalamidad tulad ng sunog, bagyo at mga katulad nito ay inaasikaso rin sa tanggapan ni Chua.

Ang mga serbisyong ito ay bukod pa sa nagpatayo si Chua ng isang Dialysis Center sa kanyang nasasakupang lugar para may matatakbuhan ang mga mahihirap niyang kababayan na kailangang sumailalim sa dialysis.

Maaring magpadala ng inyong puna at reklamo sa aking email address na jrreyes.0428@gmail.com o pwede rin magpadala ng mensahe sa 0995-1048357.