Rep. Defensor sa DOH: COVID vaccination sa 3-5 taon pag-aralan

Rep. Defensor sa DOH: COVID vaccination sa 3-5 taon pag-aralan

September 13, 2022 @ 6:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinimok ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor ang Department of Health(DOH) na pag aralan ang pagbibigay na ng Covid vaccine sa mga batang may edad 3 hanggang 5-anyos.

Sa naganap na Ugnayan sa Batasan Majority News Forum sinabi ni House Deputy Majority Leader Lorenz Defensor na ngayong mas relax na ang health protocols ay mas malaki ang pangangailangan na bigyan ng proteksyon ang mga bata.

“With Malacañang’s recent order to allow voluntary wearing of face masks in non-crowded outdoor areas, our children need more protection from COVID-19. And I believe that their inclusion in the government’s vaccination program will better protect them against the disease,” ani Defensor.

Sa ilalim ng House Resolution 270 ni Defensor ay hinihimok nito ang pagpapabakuna na sa mga bata na 3 hanggang 5 anyos subalit inamin nito na kanyang rerebisahin ang kanyang inihain matapos na rin payagan ng Estados Unidos ang pagpapabakuna sa kanilang national na may edad 6 na buwang gulang na sanggol.

“In fact, in the US, the FDA already authorized the emergency use of COVID vaccines Moderna and Pfizer-BioNTech for individuals aged 6 months to 17 years old with its potential benefits to the pediatric population,” dagdag pa ni Defensor.

Samantala, pabor din si Defensor na magkaroon ng incentives sa mga Filipino na nabigyan na ng booster COVID shots.

“I absolutely agree that we should incentivize. Our LGUs continue to do that practice of incentivizing. ‘Yung iba po may bigas, ‘yung iba po may cash incentive, ‘yung iba may discounts. It’s also one way of reaching out, na hindi lang sila ma-vaccinate. Parang ayuda na rin po iyon especially to the poorer sector of society,” giit pa nito.

Tiwala ang mambabatas na kung magkakaroon ng incentives ay mas mahihikayat ang publiko na magbakuna.

“Papapuntahin mo sila sa vaccination site, mamamasahe naman sila eh. Kailangan din nilang may dala-dala pauwi. And that’s one way of reducing the chance of spreading the virus sa kanilang area kung sila mismo ang dadayo at may incentive silang dadayuhin sa ating mga vaccination sites,” dagdag pa nito.

Hinikayat din ni Defensor ang DoH na pag aralan ng mabuti ang pagbili ng bakuna upang walang masasayang, sa talaan ay nasa 20M doses ang nasayang o naexpired na Covid vaccine na nagkakahalaga ng P13B.

Upang maiwasan ang ganitong pag aksaya ay sinabi ni Defensor na ibigay na lang sa national government ang tungkulin ng pagbili ng bakuna. Gail Mendoza