Rep. Duterte: Magbara-barangay sa info drive vs monkeypox

Rep. Duterte: Magbara-barangay sa info drive vs monkeypox

August 4, 2022 @ 6:15 PM 1 week ago


MANILA, Philippines –  Iminungkahi ni Davao Rep Paolo Duterte sa Department of Health (DoH) na palakasin ang koordinasyon nito sa mga Local Government Unit at civic organizations para sa information drive laban sa sakit na moneypox na nakapasok na ng bansa.

Ayon kay Duterte ang mabilis na pagtukoy sa sintomas ng moneypox ang makatutulong para maiwasan ang pagkalat nito.

“The information drive about monkeypox should cascade down to the community level by including barangay officials and workers in this campaign. Educating our countrymen at this stage will help the DOH in its public surveillance and prevention efforts. It will also clear up misconceptions about monkeypox that could lead people to become lax in following health protocols,” paliwanag ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na sa ngayon ay maraming misconceptions ukol sa moneypox kaya kailangan ang malawakang information drive upang mapaghandaan ng bawat isa.

Tinukoy ni Duterte ang una nang kumalat na ang monkeypox ay sexually transmitted lamang, aniya, malinaw ang sinabi ng World Health Organization (WHO) at US Centers for Disease Control (CDC) na ang virus nito ay naipapasa sa pamamagitan ng close contact sa isang infected individual.

“Increased vigilance by the public can only be done if they have the right information about the disease. Educating the public will also help eliminate the stigma that might be associated with monkeypox and encourage people with possible infections to come forward instead of remaining undetected. This will also prevent panic in the event that the virus is detected elsewhere within our borders,” dagdag pa ng solon.

Noong nakaraang Linggo ay kinumpirma ng DOH na isang 31 anyos na Pinoy na bumiyahe sa labas ng bansa ang unang kaso ng moneypox sa Pilipinas, sa ngayon ay isolated na ang biktima gayundin ang 10 naging close contact nito.

Dineklara na ng WHO na isang public health emergency of international concern ang moneypox matapos makapagtala ng 18,000 kaso sa may 70 bansa kung saan ang Europe ang epicenter ng outbreak.

Kabilang sa sintomas ng monkeypox na isang viral infection ay pagkakaroon ng skin lesions, lagnat, pananakit ng ulo, magang lymph nodes, sakit sa likod, kasukasuan at rashes.

Ang incubation period bago mapansin ang sintomas ay nasa 6 hanggang 13 araw matapos na maexpose sa virus hanggang 21 araw. Gail Mendoza