Rep. Romero, nananatiling pinakamayamang kongresista

Rep. Romero, nananatiling pinakamayamang kongresista

July 15, 2018 @ 5:34 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pinakamayamang mambabatas pa rin si 1-PACMAN Partylist Rep. Michael “Mikee” Romero.
Batay sa pinakahuling statement of assets liabilities and networth
ng mga kongresista, si Romero ay may kabuuang yaman na P7.291 bilyon
ang mambabatas bago natapos ang 2017.
Si Romero ay natala rin ng apat na beses sa Forbes Asia Magazine para
may 50 mayayamang Pilipino noong 2013, 2014, 2016 at 2017.
Noong 2016 ay naitala para kay Romero ang kabuuang net worth na
P7,009,588,018.
Pumapangalawa naman sa pinakamayang kongresista ang bagong talagang
Justice Undersecretary at dating DIWA Partylyst Rep. Emmeline
Aglipay-Villar na may kabuuang networth na P1.407 bilyon.
Pumapangatlo naman ang dating pinakamayaman sa mga kongresista na si
Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee”Benitez na may total networth na
P1.005 bilyon.
Si Romero,  vice chairman ng House Committees on East ASEAN Growth Area;
Housing and Urban Developmetn and Youth and Sports Development ay
nakapaghain na ng may 226 sa loob  lamang ng dalawang taon.
Kabilang sa mga panukalang ito ang pagpapalawig sa validity ng
Philippine passports ng hanggang 10 taon at ang driver’s licenses ng
limang taon.
Maging ang libreng tuition fee para sa kolehiyo ay kabilang sa
mga panukala ni Romero. (meliza maluntag)