Rep. Suarez – hindi na maaaring maging minority leader

Rep. Suarez – hindi na maaaring maging minority leader

July 30, 2018 @ 2:08 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Maging si Surigao Rep. Robert Ace Barbers na kasapi sa mayorya ay kumbinsidong hindi na karapat-dapat upang maging Minority Leader si Quezon Rep. Danilo Suarez.

Ito ay dahil pangunahin siyang sumuporta upang maluklok si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong speaker ng Kamara kapalit ni Davao Rep. Pantaleon Alvarez.

“Once you voted for the winning speaker you definitely belong to the majority. Iyan ang aking opinyon pero itong usapin ng minority leadership, ika nga this is a love affair among the members of the minority. They should resolved this among themselves,” dagdag pa ni Barbers.

Lalabas ayon sa kongresista na hindi magiging tunay ang oposisyon kapag ang malalagay sa minorya ay yaong sumusuporta sa speaker at kapag ganitong sitwasyon ay malamang maging kahalintulad ito ng company union o management union.

Nakakaalarma aniya kung ang magiging minority leader ay kakampi ng speaker dahil hindi magkakaroon ng pantay at tapat na debate sa mga isyung national kungdi magiging rubber stamp na lamang ito.

“If we stick with the rules in the 17th Congress, definitely those who voted for the winning speaker does not belong to the minority anymore.”

Panawagan ni Barbers sa bagong liderato ng Kamara na tapusin na sana ang mga ganitong isyu dahil magpapatagal ito sa mga trabaho ng mga kongresista. (Meliza Maluntag)