Rep. Teves kinasuhan ng murder!

Rep. Teves kinasuhan ng murder!

March 8, 2023 @ 7:29 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinampahan ng kasong kriminal noong Martes ang isang mambabatas sa Negros Oriental at limang iba pa kaugnay sa tatlong insidente ng pagpatay na naganap noong 2019.

Kinasuhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa harap ng Department of Justice (DOJ) sina Third District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. at isang Hannah Mae, na sinasabing kanyang kalihim.

Habang 2 counts of murder naman ang isinampa laban kina Richard Cuadra alyas Boy Cuadra, Jasper Tanasan alyas Bobong Tansan at Rolando Pinili alyas Inday, at isang kasong pagpatay laban kay Alex Mayagma.

Sinabi ng private counsel na si Levito Balingod na ang mga testimonya laban sa mga respondent ay ininguso at ibingay mismo ng mga taong binayaran umano ni Teves ng PHP50,000 sa bawat pagpatay.

Kabilang sa mga kaso ang pagpatay kay Sangguniang Panlalawigan member Miguel Dungog sa harap ng Siliman University Medical Center sa Dumaguete City noong Marso 25, 2019.

Si Dungog na isang dating ahente ng National Bureau of Investigation ay target na tumakbo sa reeleskyon sa midterm poll noong 2019.

Dalawa pang insidente ng pagpatay na kasama sa mga charge sheet ay sa Sitio Labugon, bayan ng Basay noong Mayo 25, 2019 at sa Barangay Malabugas, Bayawan City Hunyo 23, 2019. RNT