Rep. Teves, may panawagan kay PBBM, Comelec at SC

Rep. Teves, may panawagan kay PBBM, Comelec at SC

October 23, 2022 @ 8:31 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa kanyang sikat na FB Live na AKSYON, TULONG, SOLUSYON kamakailan, nanagawan si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves sa Pangulong Bongbong Marcos, Comelec at Supreme Court.

Halata ang pagkadismaya ng mambabatas sa naging kaguluhan sa Negros Oriental, kung saan binawi ng Commission on Election ang pagka-panalo ni NegOr Gov. Henry Teves na nakakabatang kapatid ni Rep. Teves at ideklarang panalo ang dating gubernador na si Roel Degamo.

Nanawagan si Rep. Teves sa Comelec at sa Supreme Court na maitama ang naging problema sa Negros Oriental, sinabi pa nito na hindi lang para sa kanyang kapatid bagkus sa iba pang tulad na isyu kung saan mali talaga na gawing mangmang ang Negrosanon, dahil daw imposible na ang 50,000 na mamamayan ng NegOr ay mga bobo sa pagboto.

Sabi ni Teves, dapat baguhin na ang Juris prudence na idagdag sa isang kandidato yung mga boto ng nuisance.

“Those votes should be considered stray votes if they do indeed belong to the nuisance candidate.”

“Di talaga dapat idagdag ang boto ng tao sa napili nila na iboto sa isang kandidato. Alam niyo nagtanong tanong din ako, ginagamit lang yung pangalan ng Malacañang, pero alam ko walang kagagawan si President BBM dito, alam ko malinis si President BBM, hindi siya nakisali dito sa pagtulong sa kalaban ng kapatid ko. I respect you mr. President and i know hindi ka nakisawsaw sa isyung ito, pero alam kong may iba dyan na gumagamit ng kanilang lakas, gumagamit ng kanila posisyon para gumawa ng mali, kahit ano pang sabihin niyo kahit ano pang mangyari, ang mali ay mali” pagpapatuoy ni Teves. RNT