Repair sa mga bitak sa tulay ng Marikina, ikakasa

Repair sa mga bitak sa tulay ng Marikina, ikakasa

January 11, 2023 @ 8:57 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasalukuyang sumasailalim na sa repair ang Marikina bridge makaraang makita ang mga bitak sa naturang istruktura.

Ang pinsala sa naturang tulay napansin matapos ang tuloy-tuloy na pag-ulan noong nakaraang linggo na may haba nang ilang metro.

Kinordunan na ang sidewalk part ng Marikina Bridge patungong Quezon City.

Sinabi naman ng mga opisyal ng lungsod na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagsasaayos nito.

“We are demanding for the immediate rectification of the structural damage on the Marikina bridge. We are duty-bound to act on the welfare of the inhabitants of the city, we are expecting the immediate action of the DPWH,” ani Marikina Mayor Marcelino Teodoro.

“Otherwise, we will be constrained to file necessary legal actions, civil, criminal, and/or administrative if this matter will not be addressed promptly and accordingly,” dagdag pa niya.

Kasunod nito ay sinabi ng DPWH – National Capital Region na nagpadala na sila ng mga tauhan para magsagawa ng imbestigasyon at magpatuloy sa pagsasaayos nito.

Inabisuhan naman ng DPWH ang mga motorista na magdahan-dahan kung dadaan sa naturang lugar o kaya naman ay maghanap na lang muna ng ibang daraanan. RNT/JGC