‘Reparation’ prayer bago halalan, isagawa – Villegas

‘Reparation’ prayer bago halalan, isagawa – Villegas

February 16, 2022 @ 11:25 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan sa mga mananampalataya na mag-alay ng ‘reparation’ sa ‘ating personal at pambansang mga kasalanan’ bago ang halalan sa Mayo 9.

Partikukar na apela ng Arsobispo para sa Lenten season ang “reparation rosary for truth, integrity, and wisdom”. na magsisimula sa Ash Wednesday, March 2 hanggang Holy Wednesday, April 13.

Ayon sa Arsobispo, ipagdadasal nila ang lahat ng mga probinsya sa buong bansa sa nasabing panahon.

“We also plead that the family rosary at home be restored as a devout family practice even in our work places”, anang Arsobispo.

“I invite our brother priests to make confessions more available to our people especially this Lenten season and I beg our faithful to go to confession,” sabi pa ni Villegas

Pagkatapos ng reparation rosary, sinabi ni Villegas na saka sila mag-aalay ng “reparation adoration” para sa nasabing intensyon mula Easter Monday, April 18 hanggang May 8, “the vigil of our national elections”.

Ang Banal na Sakramento, aniya, ay dapat ilantad sa publiko sa loob ng isang oras sa mga simbahan ng parokya, mga chaplainy, at mga istasyon ng pastoral.

Ang mga tao aniya ay hinihiling na manatili sa tahimik na pagsamba, hangga’t maaari ay lumuhod, upang tubusin ang mga kasalanan ng bansa.

Tuwing Linggo, sinabi ng dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na gagawin ang exposition adoration isang oras bago ang unang Misa.

“We will pray for twenty-one days for all the voters in the coming elections,” ani Villegas . “Truth as guide! Integrity as lighthouse! Wisdom as we vote!”

“We cannot delay offering reparation for our personal and national sins. The bitter fruits of our sins are already strangling us. We are reaping what we have sown. Catholic values will erode further if we ignore the guidance of God,” sabi pa ni Villegas. Jocelyn Tabangcura-Domenden