Repatriated OFWs dahil sa COVID pandemic, 342K na — DFA

Repatriated OFWs dahil sa COVID pandemic, 342K na — DFA

January 13, 2021 @ 7:18 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakabalik na sa bansa ang 342,000 overseas Filipino workers (OFWs) simula noong Pebrero dahil sa kinakaharap na pandemya, batay sa opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa datos noong 2020, nasa 327,511 OFWs ang nakauwi batay kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Arriola.

“Tuluy-tuloy po iyong sweeper flights natin. Actually, napansin po namin towards noong December, marami na rin po iyong mga nagdidesisyon na mag-stay,” lahad nito sa Laging Handa briefing.

“Narinig po namin, I think, ang plano po yata ng Middle East countries, iyong GCC [Gulf Cooperation Council] is before Ramadan ay magkaroon na sila ng herd immunity. So marami po sa ating mga kababayan iyong nagbabakasakali na ring manatili po sa mga country of destination.”

Nauna namang sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration Hans Leo Cacdac na nasa 80,000 OFWs ang posibleng makabalik ng bansa sa first half ng 2021. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...