Repatriation ng 2nd batch ng OFWs, ‘di tuloy

Repatriation ng 2nd batch ng OFWs, ‘di tuloy

July 12, 2020 @ 4:09 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi natuloy ang nakatakda sanang second batch ng repatriation ngayong araw, July 12 sa mga labi ng mga nasawing overseas Filipino workers o OFWs.

Ayon kay Labor Spokesperson Rolly Francia, ang nasabing repatriation ay naantala ng isang linggo.

Aniya, marami pang mga labi ng OFWs ang darating sa bansa sa July 20 alinsunod na rin sa naging pag-uusap ng Philippine Embassy sa embahada ng Riyadh.

Nito lamang Biyernes ay 49 na mga labi kabilang ang isang sanggol ang dumating sa bansa at sinalubong ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan bilang pagpupugay sa kanilang katapangan at pagiging bayani. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...