Repatriation plan sa POGO workers nirerepaso na ng DOJ, Chinese Embassy

Repatriation plan sa POGO workers nirerepaso na ng DOJ, Chinese Embassy

September 23, 2022 @ 9:16 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakipagkita na ang Department of Justice sa Chinese Embassy upang repasuhin ang exit plan o pagpapauwi sa mga manggagawa ng Philippine Overseas Gaming Operators (POGO) na overstaying na sa bansa.

Kasama ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ay si Zhou Zhiyong, Charge D’affaires Ad Interim ng Chinese Embassy na nagkausap sa DOJ Compound sa Maynila.

Ilan sa mga napag-usapan ay ang posibleng timeline ng repatriation kung kailan ito isasagawa at ito ay isasagawa ng by-batch.

“We are verifying the identities and if the identities match then they (China) will start accepting those to be sent home for being overstaying,” ani Remulla.

“Right now, we have less than 300 in custody but we expect more to be there for deportation later on kapag nag all out tayo, kasi we are collating a lot of information now, we are doing surveillance, we are a democratic state, we will obey the law,” dagdag pa niya.

Para kay Remulla, hindi babalewalain ng pamahalaan ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang malaman kung sino-sino ang mga maituturing na illegal na mga manggagawa sa bansa.

Sa impormasyon, aabot sa tatlong daan na mga indibidwal ang makakasama sa unang bugso ng mga deportees at posibleng sa unang buwan ng Oktubre ang pagpapauwi sa kanila sa China. RNT/JGC