Reporma sa crop insurance hirit ng solon

Reporma sa crop insurance hirit ng solon

July 1, 2022 @ 3:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Upang matiyak ang modernisasyon sa agrikultura na target gawin ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang termino, hinimok ni Davao City Rep Paolo Duterte ang administrasyon na unang magpatupad ng reporma sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para masigurong matutugunan ng ahensya ang pangangailangan ng mga magsasaka.

Ayon kay Rep Duterte prayoridad nyang isulong sa 19th Congress ang pagpasa ng mga panukalang batas na akma sa priority programs ni Pangulong Marcos partikular ang pagmodernisa sa agriculture sector at pagpapalakas sa food production.

Naniniwala si Duterte na isa sa dapat na tutukan ay ang pagbibigay ng maayos na crop insurance coverage para sa mga magsasaka, aniya ang PCIC, na isang government-run corporation na nasa i nakatutok sa pagbibigay ng crop insurance na nasa ilalim ng Department of Finance ay dapat palakasin upang wala nang magsasaka ang malulugi dahil matutulungan agad sakaling magkaroon ng aberya sa kanilang mga pananim.

Bilang patunay ng kahinaan ng kasalukuyang sistema sa PCIC tinukoy ni Rep Duterte ang isinagawang pag aaral kamakailan ng World Bank sa ahensya kung saan pinuna nito ang kakulangan ng proteksyon ibinibigay sa mga magsasaka.

“The study done by a team from the World Bank’s Disaster Risk Financing and Insurance Program (DRFIP) revealed that while premium subsidies provided by the government to the PCIC has consistently increased over the years, crop insurance has only reached one-third of the country’s farmers. PCIC’s capital is also not efficiently invested and its insurance products are also not suitable for majority of Filipino farmers, especially for small subsistence holders and growers” nakasaad sa report ng World Bank.

Giniit ni Duterte na maraming magsasaka ang hirap bumangon matapos masira ng kalamidad ang kanilang mga pananim kaya naman apektado ang food production subalit kung mayroong insurance coverage na aalalay sa kanila ay matitiyak ang tuloy tuloy na pagtatanim at mataas na ani.

“Kung kulang o walang insurance, kawawa ang mga maliliit nating magsasaka at iba pang nagtatrabaho sa agri sector kapag na-wipe out ang ani nila dahil sa bagyo , peste at iba pang kalamidad. Our farmers, especially the small tillers, need better crop insurance coverage than the one they are currently getting or not getting at all from PCIC,” paliwanag ni Duterte.

Upang mapalakas ang PCIC iminungkahi ni Duterte na maaaring makipagtulungan ang ahensya sa mga private firms na maaari syang magpondo sa mga bagong teknolohiya sa pagsasaka para mabawasan ang pagkalugi.

“improving the services provided by the PCIC could also be a way for the government to introduce new, smart, and climate-resilient technologies to farmers and other agriculture stakeholders to boost their productivity. This, in turn, will help fulfill President Marcos Jr.’s goal of increasing food production,” pagtatapos pa ni Duterte. Gail Mendoza