Reporma sa disaster response, isusulong

Reporma sa disaster response, isusulong

September 25, 2022 @ 4:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Dinagat Islands Rep. Alan Ecleo sa kanyang mga kapwa mambabatas na pag-usapan na reporma sa disaster response kasabay ng banta ng Super Typhoon Karding.

Ani Ecleo, panahon na umano upang balikan ang mga aral na dinala ng mga nagdaang kalamidad upang maiayon sa disaster response ng bansa.

Ang reporma sa disaster response ay makatutulong na mabawasan ang pinsala ng mga climate-related disasters ayon sa mambabatas mula sa Dinagat Islands.

Matatandaan na ang Dinagat Islands ay isa rin sa hinagupit ng nagdaan na Super Typhoon Odette noong nakaraang taon dahilan sa pagkawala ng milyon-milyong private at public infrastructures.

“We need to institutionalize our learnings so that we can minimize the damage future typhoons will bring. We have paid dearly for these lessons,” ani Ecleo.

“Clearly, there is a need to streamline response and rehabilitation efforts so that affected LGUs will know which resources can be accessed before and after every disaster,” dagdag pa niya. RNT/JGC