Reporma sa PNP structure, sinisilip ni Abalos

Reporma sa PNP structure, sinisilip ni Abalos

January 24, 2023 @ 6:12 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos nitong Martes na sinisilip niya na ayusin ang istraktura ng Philippine National Police (PNP) matapos magsumite ng high-ranking officials nito ng kanilang courtesy resignations.

“Ngayon nakita natin yung reforms na dapat natin gawin. Siguro let’s look also at the legal side. Let’s review the institution, the structures,” aniya.

“Magtatanong tayo sa mga retired police ano ba ang dapat nating baguhin to the structure itself? Bakit tayo napunta sa ganito?” dagdag niya.

Matatandaang nanawagan si Abalos sa mga heneral at koronel sa PNP na maghain ng kanilang courtesy resignations para linisin ang kanilang ranggo mula sa mga sangkot sa iligal na droga.

Susuriin ng five-man committee, na kinabibilangan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang resignations. Bubusisiin din ng National Police Commission ang police officers na tinanggap ang resignations.

“These kinds of reforms, kailangan natin ito,” giit ni Abalos. RNT/SA