Report na na-ospital si Pangulong Duterte, fake news

Report na na-ospital si Pangulong Duterte, fake news

July 26, 2018 @ 3:19 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Itinuturing ng Malakanyang na “fake news” ang kumakalat na report na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa maayos na kalagayan ang Chief Executive.

Sa katunayan aniya ay nagawa pang  magtungo  ni Pangulong Duterte sa Zamboanga Sibugay para dumalo sa ika-69 na Araw ng Ipil.

Aniya, isang beses lamang na nagtungo ang Pangulo sa Cardinal Santos Memorial Medical Center noong Linggo para sa routine medical check-up, isang araw bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Simula noon aniya ay wala nang ibang hospital facility na pinupuntahan ang Punong Ehekutibo. (Kris Jose)