Report Number 2, inilabas ng NBOC; Robin Padilla, #1 pa rin sa senatorial race

Report Number 2, inilabas ng NBOC; Robin Padilla, #1 pa rin sa senatorial race

May 12, 2022 @ 7:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang pangunguna ng actor na si Robin Padilla sa senatorial race base sa partial and official canvassing results sa apat na rehiyon na inilabas ng National Board of Canvassers (NBOC).

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) na tumatayong NBOC, galing ang mga boto sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Base sa National Tally Sheet Report Number 2 ng NBOC na inilabas ngayong Huwebes, May 12, 2022 sa ganap na 5:43 a.m., pasok sa Top 12 senatoriables sina:

  1. Padilla, Robin – 13,231,228

  2. Legarda, Loren – 12,290,805

  3. Tulfo, Raffy – 12,223,867

  4. Gatchalian, Sherwin – 10,427,847

  5. Escudero, Chiz – 10,403,405

  6. Cayetano, Allan Peter – 9,852,390

  7. Villar, Mark – 9,799,932

  8. Zubiri, Juan Miguel – 9,610,489

  9. Villanueva, Joel – 9,488,272

  10. Ejercito, JV – 8,005,848

  11. Hontiveros, Risa – 7,826,216

  12. Estrada, Jinggoy – 7,678,819

Alas-3:00 kaninang hapon nang ipagpatuloy ng NBOC ang canvassing ng mga boto.

Ayon kay acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, plano ng poll body na mai-proklama na sa susunod na linggo ang 12 nanalong senador.

Susundan ito ng proklamasyon sa 63 winning party-list groups.

Ang mga botong na-canvass ng NBOC ay ikinokonsiderang partial and official results ng 2022 elections. RNT/ JCM