Requiem mass idaraos ng Manila Cathedral kay Pope Benedict XVI

Requiem mass idaraos ng Manila Cathedral kay Pope Benedict XVI

January 4, 2023 @ 7:43 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Magdadaos ng Requiem Mass ang Manila Cathedral para sa dating Pope Benedict XVI sa Enero 6.

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Apostolic Nuncio to the Philippines Reverend Charles Brown ang Eucharistic Celebration sa Minor Basilica of the Immaculate Conception Manila Metropolitan Cathedral alas-5 ng hapon ayon sa abiso mula sa cathedral.

“Everyone is invited to join us in thanking the Lord for his life and ministry through the Holy Eucharist,” saad ng Manila Cathedral.

Pumanaw ang dating papa sa edad na 95 matapos inanunsyo ng Vatican noong Disyembre 31, halos dekada matapos siyang maging unang papa na nagbitiw sa loob ng anim na siglo.

Ang Alemanya na Pope Emeritus na may birth name na Joseph Ratzinger, ay tahimik na namumuhay sa loob ng bakuran sa Vatican mula nang bumaba sa puwesto noong Pebrero 2013.

Ililibing ang dating papa sa Enero 5. Jocelyn Tabangcura-Domenden