Resbak ni Cayetano kay Ex-PNoy, sagutin nalang ang mga tanong!

Resbak ni Cayetano kay Ex-PNoy, sagutin nalang ang mga tanong!

August 7, 2018 @ 7:21 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Muling kinalampag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano si dating Pangulo Benigno Aquino III upang bigyang linaw sa mga mamamayan ang nangyari sa West Philippine Sea sa kaniyang administrasyon.

Sa ikalawang liham na ipinadala kay Aquino, nilista ni Cayetano ang kaniyang mga katanungan at humiling ng, “enlighten the nation by sharing the events and your decisions, particularly those that led to the extremely complex situation in the West Philippine Sea that we are faced with today.”

“I appeal to your deep sense of patriotism and request that you just please answer the questions I posed a few days ago instead of trivializing the issue. Merely unleashing your attack dog, Sen. Antonio Trillanes IV, or asking the public to just Google are not helping the situation for our people and our government,” sabi niya pa sa sulat.

Binigyang diin din ni Cayetano na ang kaniyang mga katanungan ay hindi basta basta masasagot at mahahanap sa Google.

Bukod pa rito, ang paghahanap umano ng sagot online ay mas lalong makapagbibigay ng mas marami pang katanungan  at “far more serious problems that emanated from an unclear chain of command, serious miscalculations, and the absence of an end game for the country.”

“Sir, you asked for transparency yet you refuse to be transparent. This is not about our present playbook but yours. Your playbook is something already known to the Chinese government and yet you refuse to share this and other facts with our people who knew nothing about it,” sabi pa niya.

Matatandaan na noong nakaraang linggo sinabi ni Aquino na kailangan ni Cayetano na maging “transparent as his hairstyle” sa pakikipag-ugnayan sa China, kabilang na ang mga plano para sa posibleng joint oil exploration.

Sa unang liham, inakusahan ni Cayetano si Aquino na iniiba lamang nito ang usapan kaysa ipaliwanag kung paano nga ba nawalan ng control ang kaniyang administrasyon sa Scarborough Shoal noong 2012 at kung bakit inatasan si Trillanes na magsagawa ng back channel talks sa Beijing.

Kasunod nito, tinawag naman ni Senator Antonio Trillanes IV si Cayetano bilang “political snake.”

“Sec. Cayetano has proven to be a political snake. The Panatag standoff happened in 2012 during which time Cayetano was still a loyal ally of the Aquino administration, so obviously, he never saw anything wrong with how PNoy resolved it then,” sabi ni Trillanes sa statement.

Sinagot naman ni Cayetano ang patutsada ni Trillanes at sinabing siya ay hindi kaalyado o kaaway ni Aquino.

“Senator Trillanes is again trying to confuse our people. I was neither your close ally nor your enemy. I was the Minority Leader, not a member of the majority at the height of the controversy on the West Philippine Sea,” sabi ni Cayetano. Remate News Team