‘Resbakuna sa Botika’ umarangkada na sa P’que

‘Resbakuna sa Botika’ umarangkada na sa P’que

January 22, 2022 @ 12:50 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Paranaque ang “Resbakuna sa Botika” ng The Generics Pharmacy (TGP) sa Barangay Sun Valley nitong Biyernes (Enero 21).

Pinasalamatan naman ng lokal na pamahalaan sina Presidential Adviser for Flagship Program and Projects Sec. Vince Dizon at Robina Gokongwei-Te, presidente ng TGP na dumalo bilang pangunahing panauhin sa paglulunsad ng “Resbakuna sa Botika” sa lungsod.

Kasabay ng paglulunsad ng “Resbakuna sa Botika” ay ang pagtuturok ng booster shots ng mga residente na pinamahalaan ng TGP kasunod ang baksinasyon ng mga magpapabakuna para sa una at ikalawang dose ng vaccine.

Binigyang importansya pa ng lungsod ang pagpapabakuna laban sa coronavirus disease o COVID-19 bunsod na rin sa report ng City Health Office (CHO) at City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na ang kanilang treatment facility ay mas mababa na sa 20 porsiyento ang okupado.

Napag-alaman din sa lokal na pamahalaan na ipagpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng baksinasyon sa bawat barangay sa lungsod.

Sinabi naman ng CHO na 732,346 residente o katumbas ng 140.45 porsiyento ang tumanggap ng kanilang unang dose habang 677,976 o 130.03 porsiyento ng populasyon ay mga fully vaccinated na samantalang umabot naman sa 112,366 indibidwal angnaturukan na ng kanilang mga booster shots. (James I. Catapusan)