Rescue op sa Abuyog, Leyte pansamantalang itinigil sa banta ng landslide

Rescue op sa Abuyog, Leyte pansamantalang itinigil sa banta ng landslide

April 13, 2022 @ 10:07 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Pansamantalang ipinatigil ang rescue operation para sa mga biktima ng landslide sa Abuyog, Leyte, matapos gumuhong muli ang daan sa gitna ng masamang panahon, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Miyerkules.

“Ang rescue operation itinigil muna kagabi sa bagong nag-landslide na barangay sa Barangay Pilar, Abuyog, Leyte,” pahayag ni PDRRMO information officer Roel Montesa.

“Itinigil dahil habang nagre-rescue operation sila, biglang gumuho ulit ng lupa so muntik tamaan ang mga kasamahan ko doon,” dagdag pa niya.

Bukod sa Abuyog, nakapag-ulat din ng landslide sa Baybay City sa parehong probinsya.

Gayundin, nanawagan si Montesa para sa karagdagang tulong para sa probinsya gaya ng mga unan at higaan. RNT/SA