Rescue ops sa Thai Cave, apat na lang ang natitira

Rescue ops sa Thai Cave, apat na lang ang natitira

July 10, 2018 @ 6:54 PM 4 years ago


Thailand – Isang batang lalaki na lang at ang kanyang soccer coach ang natitira sa loob ng kweba matapos na sunod na mai-rescue ang tatlo pang myembro ng Wild Boar soccer team sa ika-18 araw na pagkaka-trap ng mga ito.

Sa ngayon ay 11 isa na ang mga na-irescue mula sa malalim na Tham Luang cave matapos na pasukin ito ng mga professional divers noong Linggo bitbit ang daan-daang oxygen tanks.

Nasa 19 na divers ang pumasok sa kweba kanina para subuking ilabas ang apat na mga bata at ang kanilang 25-year-old na coach.

“I hope all four kids… the coach, and the doctor and three SEALs will be all out today,” ayon kay Former Chiang Rai governor and rescue mission commander Narongsak Osotthanakorn.

Nabatid sa unang pagkakataon na nagtungo sila sa Tham Luang cave noong June 23 para sa isang birthday celebration.

Kinilala ang noo’y celebrant na si Peerapat Sompiangjai, 17-anyos, kung saan may mga dala o baon silang snacks at nagkataong nakatulong para maka-survive sa mga unang araw ng pagkaka-trap.

Si Assistant Coach Ekapol Chantawong ay siya umanong pinaka-nanghihina noong matagpuan ang grupo dahil sa pagtanggi raw na kumain, at sa halip ay ibinibigay ito sa mga bata. (Remate News Team)