Research vessel sa WPS minamanmanan ng barko ng Tsina

Research vessel sa WPS minamanmanan ng barko ng Tsina

April 9, 2022 @ 10:05 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Minamanmanan ng isang Chinese coast guard vessel ang research vessel na itinalaga ng mga Pilipino at Taiwanese na siyentista noong nakaraang buwan sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sinabi ni maritime law expert Jay Batongbacal, direktor ng University of the Philippines (UP) Institute of Maritime Affairs and Law of the Sea, na patuloy na minamanmanan ng Chinese coast guard vessel CCG 5203 ang RV Legend base sa screenshot ng interface ng Marine Traffic website kaninang alas-6 ng umaga.

Patungong north-northeast ang parehong barko, “about 65 nautical miles (120 kilometers) off Pangasinan.”

“CCG 5203 has no right to interfere with a Philippine-government authorized MSR (marine scientific research) activity conducted with Taiwan,” giit ni Batongbacal.

“CCG 5203’s interference is another example of how [China] continues to attempt to enforce its arbitrary and excessive nine-dash-line claim, seeking to deny the [Philippines] even the right to conduct its own marine scientific research in its own waters,” dagdag niya.

Ayon kay Batongbacal, isinasagawa ang MSR sa 200-nautical mile (370-km) EEZ ng Pilipinas “and is firmly under Philippine jurisdiction.” RNT/SA