‘Reshuffle’ ng election officers ikinasa sa BARMM, iba pang lugar – Garcia

‘Reshuffle’ ng election officers ikinasa sa BARMM, iba pang lugar – Garcia

May 6, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ni-reshuffle ng Commission on Elections (Comelec) ang poll officers sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at iba pang lugar, ayon kay Commissioner George Garcia nitong Biyernes.

Sa Laging Handa public briefing, inilahad ni Garcia na ipinalabas ni Comelec chairperson Saidamen Pangarungan ang utos sa reassignments.

“Tama po, may mga nangyari po na mga pagbabago at siyempre po ‘yan ay na-isyu po ng ating kagalang-galang na chairman dahil doon sa mga pangangailangan na dapat ayusin doon sa mga areas  na iyan,” aniya.

“Tungkol sa kung ilan po ‘yung bilang ng mga na-reshuffle o na-reassigned na election officer sa area ng BARMM at iba pang area po ng bansa ay babalikan ko po kayo sa bagay na ‘yan dahil medyo madami-dami rin ‘yung mga nalipat na mga election officers,” dagdag pa ni Garcia.

Matatandaang sinabi ni Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani-Sayadi nitong Biyernes na ilang mga guro ang nagprotesta na tinganggal ang kanilang mga pangalan mula sa listahan ng ng electoral board members at pinalitan ng ibang mga guro.

“Nagsalita ‘yung mga guro dahil ang sabi nila ‘yang ipapalit ninyo sa amin na mga Islamic teachers walang training ‘yan. Hindi ‘yan naisyuhan ng DOST certificate na nagpapatunay na qualified sila maging member,” ayon sa kanya.

Iginiit naman ni Garcia na hindi hahayaan ng Comelec ang naturang ulat ukol sa pagpapalit ng electoral board members sa BARMM para sa Halalan 2022. RNT/SA