Residente ng isang probinsiya sa Oriental Mindoro, binalaan sa banta ng Chikungunya

Residente ng isang probinsiya sa Oriental Mindoro, binalaan sa banta ng Chikungunya

June 26, 2018 @ 2:32 PM 4 years ago


Calapan City – Pinaalalahanan ng local government unit (LGU) ng Mansalay town, Oriental Mindoro province ang mga residente upang panatilihin ang kalinisan sa kanilang kapaliran matapos makapagtala ng 28 na kaso ng mosquito-borne illness Chikungunya ang nai-report sa nasabing bayan.

“We are asking (the residents) to clean our surroundings and avoid stagnant water which is the breeding ground of mosquitos carrying Chikungunya Virus,” sabi sa Facebook post ng Tanglaw Mansalay kung saan ito ay pinamamahalaan ng information office ng Mansalay LGU.

“Magkakaroon po ng simultaneous cleaning ang lahat ng barangay sa Mansalay pagdating ng Chikungunya Kits at Mist (Spray) galing sa province,” dagdag pa nila.

Kahit na ang Chikungunya ay hindi nakamamatay gaya ng dengue, ang simtomas naman nito ay magkapareho, magdadala ito ng lagnat, rashes, mananakit ng ulo, pananakit ng buong katawan at mga kasukasuan. (Remate News Team)