Residential area sa Binondo, nasunog!

Residential area sa Binondo, nasunog!

March 13, 2023 @ 10:24 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-apula ng sunog sa Manila humigit-kumulang 300 metro ang layo mula sa Coast Guard Base Farola ngayong araw Lunes ng umaga.

Ayon sa PCG, alas-5 ng umaga nang makatanggap ng report ang PCG Command Center.

Agad itong nakipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP) upang agad na marespondehan ang lumalaking sunog.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa Gate 62 Farola Compound, Tondo Maynila

Idineklara ng BFP ang “fire under control” bandang alas-6:14 ng umaga, habang “fire out” naman dalawang minuto bago sumapit ang alas-7 ng umaga.

Samantala, base sa ulat ng BFP, dalawa ang sugatan sa sunog kabilang ang isang fire volunteer na si Leopoldo Sasalo Jr., 28, at ang batang si Michael De Guzman, 3 taong gulang. Jocelyn Tabangcura-Domenden