Residential area sa Sampaloc, Manila nagliyab!

Residential area sa Sampaloc, Manila nagliyab!

October 31, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasunog ang residential area sa Sampaloc, Manila nitong Linggo ng gabi.

Batay sa ulat mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa Maria Cristina cor. Fajardo St. sa Sampaloc, Manila bandang alas-6:58 ng gabi.

Umabot ito sa second alarm pagtuntong ng alas-7:17 ng gabi.

Nakontrol naman ito bandang alas-7:48 ng gabi at tuluyang naaapula ng alas-8:20 ng gabi.

Nagsasagwa pa ang BFP ng imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng sunog. RNT/SA