Residential area sa Sta. Mesa nagliyab!

Residential area sa Sta. Mesa nagliyab!

August 29, 2022 @ 6:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa isang residential area ngayong Lunes sa Sta. Mesa,Manila.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Valencia St., ganap na alas-12:47 ng tanghali .

Umabot ito sa ikalawang alarma lamang dahil at idineklarang fire out dakong alas-2:04 ng hapon.

Tinatayang aabot sa P75,000 ang halaga ng bahay at ari-arian na natupok ng apoy mula sa apat na bahay na nasunog.

Isa naman ang iniulat na nasugatan at kinilalang si Arnel Villarreal. Jocelyn Tabangcura-Domenden