Residential area sa Tondo, nagliyab!

Residential area sa Tondo, nagliyab!

January 21, 2023 @ 1:05 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa gitna ng selebrasyon ng Chinese New Year ngayong araw, Sabado, sumiklab ang sunog sa residential area sa Tondo, Maynila.

Isa ang kumpirmadong patay sa naganap na sunog sa kaninang alas-11 sa Sandico St., sa Tondo.

Kinilala ang biktima na si Carlo Cruz,12 taong gulang na may down syndrome.

Ito ay ayon na rin sa kumpirmasyon ng kanyang ama na si Baltazar Cruz.

Ayon kay Baltazar, sinikap niyang ilabas ang anak sa nasusunog nilang bahay pero hindi kinaya dahil malaki ang kanyang anak.

Aabot sa mahigit-kumulang 20 bahay ang natupok ng apoy na pawang gawa sa light materials.

Tinatayang nasa P350,000 naman ang naging pinsala sa sunog na umabot sa ikatlong alarma .

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi o pinagmulan ng sunog sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden